マカティ市での孤独。事件。

Naputol ang dalawang paa at sumabog ang ulo ng isang Japanese national matapos umano itong magpakamatay sa isang condominium building sa Makati City kaninang madaling araw.


Kinilala ang biktima na isang Takaoka Shigeo, ng Unit 3125 ng Beacon Tower 2 sa Barangay Pio del Pilar sa naturang lungsod.


Nadiskubre ang kanyang lasog-lasog na katawan ala-1:20 ng madaling araw nang dalawang maintenance crew ng naturang gusali sa swimming pool area sa 6th floor.